Napakahalaga ng yamang - tao ng isang bansa. Lahat ng mamamayan ay nakikinabang sa mga produkto at serbisyong ihahatid ng mga ito.
Ang mga kasapi ng pamilya na naghahanapbuhay ang gumagawa at kumikita para sa pangangailangan ng mag-anak. Sila ang yamang - tao ng bansa.
Mga Yamang Tao na Nagbibigay ng Produkto
Pangunahing kailangan ng mga mamamayan ang produktong tulad ng pagkain, damit at tirahan. May mga mamamayang nagtutulungan upang tugunan ang pangangailangang ito.
Ang mga magsasaka ang nagtatrabaho upang matugunan ang mga pangunahing pangangailangan sa pagkain. Kailangan dito ang bigas, gulay, prutas at pagkaing ugat tulad ng kamote, patatas, ube, at iba pa. Sila ang nagtatanim at nag-aani ng mga produktong ito ay nabibili sa mga pamilihan.
2. Mangingisda
Hinuhuli ng mga mangingisda ang mga isda at mga pagkaing dagat tulad ng hipon, alimasag at pusit.
3. Arkitekto
Inihahanda ng arkitekto ang mga plano ng bahay, gusali at mga disenyo na bahagi ng iba't-ibang konstruksyon. Katulong niya ang inhinyero upang mapabuti at maayos ang plano sa anumang gagawing konstruksyon.
4. Panadero Ang panadero ang gumagawa ng tinapay at iba pang mga produktong gawa sa arina tulad ng cake, biskwit at cookies.
Manggagawa
Ang mga manggagawa naman ang gumagawa sa maraming produktong kailangan ng mga mamamayan. Sa mga pabrika sila nagtatrabaho. Sila ang taga-gawa ng mga bagay na nabibili sa mga pamilihan tulad ng sabon, asukal, kape at iba pa.
1. Mananahi
Gumagawa ng mga damit para sa mga mag-anak ang mananahi. Kabilang din sa kanilang ginagawa ang kurtina, punda ng unan, sapin sa kama at mantel.
2. Minero
Kinukuha ng minero ang mga likas na kayamanan tulad ng ginto, pilak, bakal at iba pa. Ang mga ito'y ginagawang alahas. Sila rin ang nagmimina ng semento, buhangin, apog at marmol ng ginagamit sa paggawa ng bahay.
3. Magtotroso
Pinuputol ng magtotroso ang mga katawan ng punong malalaki at matatanda. Gingamit ang troso sa paggawa ng bahay at iba pang mga bagay.
Nagbibigay rin ng mga serbisyo o paglilingkod ang yamang tao upang matugunan ang panagngailangan ng pamayanan.
Gawain ng mga doktor at nars ang panganaglaga sa kalusugan sa panggagamot sa may sakit. Ang dentista naman ang nangangalaga sa ngipin ng mga mamamayan.
Mahalagang serbisyo ng mga guro ang turuan ang mga batang magbasa, magsulat at magkwenta. Tinuturuan din ng yuro ang mga bata na maging mabuting mamamayang at lumaking may magandang asal.
3. Pulis
Tumutulong ang mga pulis upang maging ligtas sa panganib ang mga tao. Pinangangalagaan nila ang katahimikan at kaayusan ng pamayanan. Sila ang humuhuli sa mga taong hindi sumusunod sa batas.
4. Kaminero
Magkatulong ang kaminero at tagahakot ng basura sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan ng pamayanan. Sa tulong nila, naiiwasan ang pagkalat ng mga sakit na dulot ng maruming paligid.
5. Tsuper
Ang pagmamaneho ng dyip, bus, traysikel at taksi ang serbisyong ibinibigay ng mga tsuper. Sa tulong nila, nakararating sa iba't-ibang lugar na pupuntahan ang mga mamamayan.
6. Karpintero
Pangunahing gawain ng mga karpintero ang pagtatayo ng mga bahay at iba pang mga gusali. Kinukumpuni rin nila ang mga sirang muwebles.
7. Tubero
Ang pagkukumpuni ng sirang gripo ay serbisyo ng mga tubero. Sila ang katulng ng pamayanan sa pagkakaroon ng tubig sa kabahayan.
Serbisyo naman ng mga bumbero ang pagsagip ng mga bahay at gusali sa sunog. Buhay ang puhunan ng mga bumbero. Peligroso ang ganitong gawain.
Mag-subscribe sa: Mga Post (Atom)